MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health (DOH) na bumaba sa 720 ang naitalang fireworks-related injuries mula Disyembre 21, 2025 hanggang Enero 5, 2026, 14% mas mababa kumpara noong nakaraang taon.
Karamihan ng insidente ay sanhi ng kwitis, 5-star, whistle bomb, boga, at piccolo.
Subalit, tumaas ng 100% ang road crash injuries sa parehong panahon, na umabot sa 1,384 kaso mula sa 690 noong nakaraang taon.
Kalahati ng mga biktima ay kabataan na may edad 15–29. Naiulat rin ang 10 pagkamatay, kabilang ang 7 motorcycle riders (6 walang helmet) at 3 pedestrians.
Tinawag ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang parehong fireworks at road crashes bilang public health problem, at inirekomenda ang pagsusuot ng helmet, seatbelt, pag-iwas sa pag-inom bago magmaneho, at responsable sa kalsada.
Dagdag pa rito, iniulat ng DOH ang 422 kaso ng non-communicable diseases, kabilang ang acute stroke at hypertension, na karamihan ay sa mga edad 40 pataas, at pinayuhan ang publiko na baguhin ang lifestyle para maiwasan ang sakit. RNT/MND