Home OPINION PINAKAMALINIS NA BUDGET? E ‘DI WOW!

PINAKAMALINIS NA BUDGET? E ‘DI WOW!

195
0

NILAGDAAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr ang pambansang budget para sa taong ito.

At nagpalakpakan sa saya sabay ngising demonyo ang mga buwaya sa “gedli” pati ang mga nakamasid na “honorables”. Siyempre, mayroong ding mga hindi happy…KUNWARI.

*********

Sinabi ni Sen. Ping Lacson na ito na raw ang PINAKAMALINIS na pambansang badyet na nilagdaan sa kasaysayan ng isang Pangulo ng bansa.

E, ‘di wow! Lokohin mo ang lelong mong panot. Itong si Ping e, mahilig magpatawa, hindi naman KALBO.

***********

Maraming kinabahan nung ipagmalaki ng Malakanyang na ang 2026 GAA daw ang PINAMALINIS na badyet na kasaysayan.

Ang narinig kasi nila, LILINISING BADYET. Paktay!

************

Pinakamalinis na badyet daw ang 2026 GAA dahil may “inekisan” (vetoed) si Marcos, Jr. na unprogrammed appropriations (UAs) na nagkakahalagang P92.5 billion.

Pero may natitira pang P150.9 billion sa kabuuan o sana ay P243.4 billion UAs.

Ibig sabihin, may P150.9 bilyong pondo ng bayan ang pinangangambahang dambungin ng mga NAGPAPALAKPAKANG MANDARAMBONG.

************

Sabi ni Bongbong, huwag daw tayong mangamba dahil titiyakin niyang mapupunta ang pera ng bayan sa dapat nitong puntahan para sa kapakanan ng taumbayan.

Naks! Lakas MAMBOLA…at MANG-UTO!

**********

Ni-retain sa nilagdaang budget ang unconditional ayuda o “soft pork barrel” na PEYBORIT ng mga politiko.

Ito ay ang MAIFIP o ang Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients.

Kinontra ito ng 72 medical and health care organizations pero isinalaksak pa rin ng mga magagaling sa Kongreso.

Ang iba pa ay ang Assistance for Individuals in Crisis Situations, at ang livelihood program TUPA.

Ayaw talaga pumayag ang mga buwaya na wala silang mapaglalaruang pera at malalapang na rin. Nampuga! Tsk, Tsk!.

**********

Siya nga pala, 2026 na pero hindi pa natutupad ang pangakong pagpapakulong sa mga BIG FISH ng flood control project anomaly.

Sila ‘yung mga mandarambong na nangulimbat sa pera ng bayan na pampagawa sana sa mga proyektong imprastraktura na pangontra sa baha.

Aba’y nauna pang arestuhin ang isang dating heneral na kritiko ng mga kabulastugan ng gobyernong ito. Sanamabits!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here