MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na umabot sa P47.8 bilyon ang halaga ng ilegal na droga na nasamsam sa mga operasyon ng pamahalaan noong 2025.
Mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, nakapagsagawa ang PDEA at iba pang law enforcement agencies ng 39,491 anti-drug operations na nagresulta sa pag-aresto sa 51,614 suspek, mula sa street-level pushers hanggang sa high-value targets.
“These achievements demonstrate PDEA’s firm resolve in leading the national anti-drug campaign,” sabi ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez.
Kabilang sa nasamsam na droga ay 6.59 tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng PHP44.83 bilyon; 174,347.56 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng PHP924 milyon; 24,860 ecstasy tablets na nagkakahalaga ng PHP42 milyon; 546,102.92 gramo ng marijuana kush na nagkakahalaga ng PHP655 milyon; 1,850,610.88 gramo ng tuyong dahon at bricks ng marijuana na nagkakahalaga ng PHP222 milyon; 515,698.19 gramo ng marijuana stalks na nagkakahalaga ng PHP62 milyon; 147,907.99 gramo ng marijuana fruiting tops na nagkakahalaga ng PHP18 milyon; 4,899,543 marijuana plants na nagkakahalaga ng PHP980 milyon; at 183,257 marijuana seedlings na nagkakahalaga ng PHP7.3 milyon.
“Through precision-driven strategies, uncompromising enforcement, seamless inter-agency cooperation, and the active participation of local communities, the Agency continues to cripple drug syndicates and protect the future of our nation,” dagdag ni Nerez.
Hinikayat niya ang lahat ng sektor na maging mapagbantay at suportahan ang laban kontra droga sa pamamagitan ng pagrereport ng mga aktibidad, pagpapalakas ng community-based prevention efforts, at pakikipagtulungan sa mga awtoridad. Dave Baluyot