Home NATIONWIDE Ilang deboto, maagang pumila para sa ‘Pahalik’

Ilang deboto, maagang pumila para sa ‘Pahalik’

197
0

MANILA, Philippines – Ilang deboto ang minabuting magpalipas ng magdamag sa Rizal Park upang maagang makapila para sa pagsisimula ng tradisyonal na ‘pahalik’ sa Poong Hesus Nazareno mamayang gabi.

Alas-7 pa ng gabi ang pahalik, pero makikita na sa bahagi ng South Drive ang mahabang pila.

Para sa kanilang debosyon sa Poong Hesus Nazareno, handang maghintay ang mga deboto, lalo na ang mga galing pa sa iba’t ibang lungsod at katabing lalawigan.

Kaungay nito, naka-standby na ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Maynila, Manila Police District (MPD), Metro Manila Development Authority (MMDA), at mga medical personnel sa mga nakatakdang aktibidad, lalo na sa paligid ng Quirino Grandstand.

Mahigpit na ring ipinagbabawal ang mga illegal vendors sa mga kalsada ng South Road at Katigbak Drive, kung saan bawal na rin ang mga nakaparadang sasakyan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here