MANILA, Philippines – Pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (Caap) ang restriksyon sa mga flight sa paligid ng Bulkang Kanlaon, Bulusan, Taal at Mayon hanggang Huwebes, Enero 8.
Sa pahayag nitong Miyerkules, Enero 7, sinabi ng CAAP na nag-isyu ito ng updated notices to airmen (NOTAMs) sa paligid ng mga sumusunod na bulkan:
Bulkang Kanlaon – epektibo mula Enero 7, 8:27 a.m. hanggang Enero 8 ng 9 a.m., na may vertical limits mula sa surface hanggang 11,000 feet
Bulkang Bulusan – epektibo mula Enero 7, 8:31 a.m. hanggang Enero 8 ng 9 a.m., na may vertical limits mula sa surface hanggang 10,000 feet
Bulkang Taal – epektibo mula Enero 7, 8:29 a.m. hanggang Enero 8 ng 9 a.m., na may vertical limits mula sa surface hanggang 11,000 feet
Bulkang Mayon – epektibo mula Enero 7, 8:32 a.m. hanggang Enero 8 ng 9 a.m., na may vertical limits mula sa surface hanggang 11,000 feet
“All flight operators are strongly advised to avoid flying close to volcanic summits and to continuously monitor NOTAMs and official advisories for updates,” ayon sa Caap.
Nakataas ang Alert Level 3 sa Bulkang Mayon habang Alert Level 2 naman sa Bulkang Kanlaon.
Ang Bulkang Bulusan at Taal ay nasa ilalim ng Alert Level 1. RNT/JGC