Home HOME BANNER STORY Person of interest sa pagkamatay ng babaeng isinilid sa storage box, sumuko

Person of interest sa pagkamatay ng babaeng isinilid sa storage box, sumuko

215
0
Photo by: Batangas PPO

MANILA, Philippines – Sumuko na ang person of interest (POI) sa pagkamatay ng babaeng natagpuang nakasilid sa storage box sa ilalim ng tulay sa Basud, Camarines Norte.

Ayon kay Basud Police chief Police Captain Mark Armea, ang pagsuko ay resulta ng pinagsamang paraan ng mga awtoridad, lokal na opisyal at publiko.

“Dahil sa concerted efforts, nakumbinseng sumuko sa kapulisan ang POI ng bangkay ng babaeng isinilid sa storage box at itinapon sa tulay sa Basud,” ani Armea sa isang Facebook post.

Matatandaan na natagpuan ang storage box na naglalaman ng bangkay ng isang babae sa ilog sa Barangay Pinagwarasan noong Enero 2.

Nitong Martes, Enero 6, ay kinilala ng pulisya ang biktima na si Anelis Agocoy, 38, residente ng Barangay Bura sa Catarman, Camiguin matapos makatanggap ng tawag mula sa kanyang kaibigan.

Nagawang matukoy ng witness ang suspek, ayon sa pulisya kung kaya’t kalaunan ay nailabas ng mga awtoridad ang composite sketch ng suspek. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here