MANILA, Philippines – Inilabas na ng Korte Suprema ang resulta ng 2025 Bar Examination ngayong hapon sa SC courtyard kung saan ibat-ibang reaction ang nangibabaw nang makita ang kanilang pangalan sa listahan ng mga pumasa.
Kabilang sa mga nasa top 10 ay sina:
1. Jhenroniel Rhey Timola Sanchez na nagtapos sa University of the Philippines ay nakakuha ng rating na 92.70
2. Spinel Albert Allauigan, ng University of Santo Tomas -Manila (92.46)
3. Alaiza Agatep ng University of Santo Tomas-Manila (91.91)
4. Angelica De Castro Mitra ng Dela Salle-Lipa (91.68)
5. Marc Angelo Galvez ng University of Tomas -Manila(91.58)
6. Jeowy Loyloy Paguia Ompad ng University of San Jose -Recoletos at Enrico Gabriel Reyes Paguia ng Ateneo de Manila University
7. Johann Raphael Silapan Gata, University of Santo Tomas-Manila (90.90)
8. Marie Shantelle Atienza Sarmiento ng University of the Philippines (90.87)
9.Richmon Bulan ng University of La Sallete,Inc (90.45)
10. Jusmin Teriann Afable Yap na nagtapos sa University of the Philippines (90.36)
Ang lahat ng listahan ng nakapasa ay maaaring makita sa official website ng Korte Suprema.
Nauna rito, nagbigay muna ng mensahe at binati ni Supreme Court Associate Justice Amy Lazaro-Javier chairperson ng 2025 Bar Exams ang kabuuang 5,594 na matagumpay na pumasa sa bar exams, ang Korte aniya ay malugod silang tinatanggap sa legal na propesyon ng may mataas na pag-asa na dadalhin ang pribilehiyo sa tungkuling ito ng pagpapakumbaba.
“The weight of it’s responsibility with resolve and the trust of the public with unwavering integrity, as you celebrate do not forget to thank God, your families, specials others and friends who have made you, your success possible.”
Sa mga hindi naman pinalad ay pinayuhan na walang dapat ikahiya sa hindi pagpasa. Hindi rin aniya ito ang katapusan ng mundo at kuwento ng kanilang buhay.
“The obstacle of the bar exams cannot begin to measure your strength of your morals, the breath of your compassion or the strength of your result- it will not be the end of the story nor the scale upon which your contributions as a member of legal profession will be measured,” mensahe pa ni Associate Justice Lazaro-Javier.
Nakatakda naman ang oath at signing ng Roll of Attorneys para sa mga nakapasa sa susunod na buwan ika anim ng Pebrero.









