Home NATIONWIDE Ilang baby formula, pinababawi ng Nestlé sa toxin issue

Ilang baby formula, pinababawi ng Nestlé sa toxin issue

284
0

BAKU – Nagpalabas ang Nestlé ng pandaigdigang recall sa ilang baby formula dahil sa pangamba na maaaring naglalaman ang mga ito ng toxin na sanhi ng food poisoning, ulat ng BBC.

Kasama sa apektadong batches ang SMA infant formula at follow-on formula, na ayon sa kumpanya ay hindi ligtas para sa mga sanggol.

Ang mga produktong ito, na naibenta sa buong mundo, ay posibleng naglalaman ng cereulide, na maaaring magdulot ng pagsusuka at pagkahilo kapag nakain.

Walang kumpirmadong ulat ng karamdaman mula sa produkto, ngunit iniurong ito “out of an abundance of caution.”

“The safety and well-being of babies is our absolute priority. We sincerely apologise for any concern or inconvenience caused to parents, caregivers, and customers,” ayon sa Nestlé.

Saklaw ng recall ang ilang bansa sa Europa, kabilang ang France, Germany, Austria, Denmark, Italy, at Sweden.

Kinumpirma ng kumpanya na ang problema ay nagmula sa sangkap mula sa isa sa kanilang supplier at nangangako ng refund para sa mga apektadong mamimili. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here