Home HOME BANNER STORY Higpit-seguridad, maximum tolerance sa Traslacion 2026 siniguro ng PNP

Higpit-seguridad, maximum tolerance sa Traslacion 2026 siniguro ng PNP

289
0

MANILA —  Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes, na magpapatupad ang kanilang personnel ang maximum tolerance sa mga deboto sa Traslacion para sa Pistang Señor ng Itim na Nazareno.

“Ang direktiba ko sa ating mga pulis ay maximum tolerance, professionalism, at respeto sa relihiyosong aktibidad,” ayon kay PNP acting chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

 “May malinaw tayong crowd control measures, designated entry and exit points, at close coordination with the Quiapo Church, LGU, MMDA, BFP, at medical teams,” dagdag pa niya.

Samantala, sinuyod ng bomb squad ng Philippine Coast Guard katuwang ang Manila Police District ang Luneta Grand Stand para sa paghihigpit ng seguridad at kaayusan sa bisinidad.

Gaganapin ang Traslacion sa Biyernes mula Quirino Grandstand pabalik sa Quiapo Church, bilang pag-alala sa pagdating ng imahe ng Nuestro Padre Jesus Nazareno mula Acapulco, Mexico noong 1600s at paglilipat mula Bagumbayan patungong Quiapo Church noong 1767.

Noong nakaraang taon, tumagal ng 20 oras at 45 minuto ang proseso at dinaluhan ng tinatayang 8.1 milyong deboto. Nagsimula na ang seguridad at crowd control plan nitong Miyerkoles ng gabi sa pahalik sa Quirino Grandstand.

Aabot sa 18,000 personnel ang ide-deploy para sa Traslacion 2026. Ipinapatupad ang pagbabawal sa armas, alak, at paputok, kasama ang paglalagay ng plainclothes officers at intelligence units upang pigilan ang mga nakawan at iba pang krimen. Magkakaroon din ng police assistance desks para sa mga senior citizens, PWDs, kababaihan, at mga bata.

Isinara ang ilang kalsada tulad ng Independence Road, Katigbak Drive, at South Drive, na may limitadong access para sa mga kalapit na hotel. Karagdagang road closures ay ipatutupad Huwebes ng 9 p.m.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here