Home HOME BANNER STORY Traslacion 2026, umarangkada na

Traslacion 2026, umarangkada na

226
0

MANILA, Philippines – Tulad ng inaasahan, maagang umarangkada ang prusisyon o Traslacion ng Poong Jesus Nazareno ngayong umaga ng Enero 9.

Ganap na alas-3:50 ng umaga ay ibinigay na ang hudyat ng pagsisimula ng pagsalya sa lubid ng andas para sa Traslacion.

Bagamat noong una ay mabilis na nakarating sa Katigbak Drive ang andas, sa bahagi naman ng P. Burgos patungong Finance Road ay unti-unti namang bumagal dahil sa buhos ng mga deboto na nag-aabang at sumabay sa prusisyon.

Sa bahagi ng ilalim ng LRT sa Taft Avenue, kanto ng Finance Road at Ayala Boulevard, agad na kumapal ang dami ng mga deboto na nag-aabang, at karamihan sa mga ito ay mga nakasalampak at nakahiga pa sa sahig gamit lamang ang sako o plastik na panapin.

Ayon sa pamunuan ng Simbahan ng Quiapo, inaasahan na mas bibilis ang usad ng Traslacion ngayong taon dahil sa bagong disenyo ng andas ng Poong Jesus Nazareno.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here