MANILA, Philippines – Nagpasalamat ang Embahada ng Tsina sa Maynila sa Philippine Coast Guard (PCG) sa agarang medikal na tugon para sa isang 55-anyos na Chinese national na nakuryente habang dumadaan sa Basilan Strait noong Enero 6.
Ayon kay Embassy Deputy Spokesperson Guo Wei, pinupuri niya ang mabilis na aksyon ng PCG.
Tumanggap ang Coast Guard District Southwestern Mindanao ng distress call mula sa MV Min Hua 9 at agad na nagpadala ng BRP Tubbataha kasama ang medical team.
Nailigtas ang pasyente sa parehong araw at dinala sa ospital sa Zamboanga City para sa karagdagang paggamot. RNT