Home NATIONWIDE High-powered firearms ng NPA, nasamsam sa Surigao del Sur

High-powered firearms ng NPA, nasamsam sa Surigao del Sur

320
0

MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga tropa ng gobyerno ang tatlong matataas na kalibreng baril na itinago ng mga natitirang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Lianga, Surigao del Sur.

Ayon sa Philippine Army 4th Infantry Division (4ID), ang mga armas na kinabibilangan ng tatlong AK-47 rifles na may mga magazine ay narekober sa Sitio Panukmuan, Barangay Diatagon nitong Huwebes, Enero 8 sa operasyon ng 75th Infantry Battalion at 3rd Special Forces Battalion sa ilalim ng 401st Infantry Brigade.

Naging posible ang pagkakarekober matapos magbigay ng impormasyon ang isang dating NPA combatant na kamakailan ay sumuko at nagpahayag ng suporta sa mga programa ng pamahalaan para sa kapayapaan at seguridad.

Sinabi ni Col. Glenn Joy Aynera, acting commander ng 401st Brigade, na ang mga nasamsam na armas ay nakatakdang gamitin sana sa mga armadong gawain ng natitirang NPA sa lugar.

Dagdag pa niya, ang pagbawi sa mga baril ay nagpapahina sa kakayahan ng mga rebelde at senyales ng paghina ng kanilang suporta at pagkakaisa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here