Home NATIONWIDE Siling labuyo pumalo na sa P700 kada kilo

Siling labuyo pumalo na sa P700 kada kilo

234
0

Bulacan – Bahagyang bumaba ang presyo sa lalawigang ito ng ilang pangunahing gulay sa ilang pamilihan matapos ang kapaskuhan.

Ayon sa manininda ng gulay sa palengke sa unang distrito ng lalawigang ito, pumalo ngayon sa P700 per kilo ang siling labuyo mula sa dating P450 kamakailan.

Aabot naman ngayon sa P200 per kilo ng kamatis mula sa P160 habang P160 per kilo ang kalamansi mula sa dating presyong P100.

Dahil dito, mabibili ngayon ng tatlo P20 ang kamatis sa retail o sa mga sari-sari store habang P1 ang isang kalamansi o apat P5 at apat na piraso ng labuyo ay nasa P5.

Samantalang sa siling berde o pamaksiw ay P5 ang apat na piraso ngayon mula sa dating P5 bawat piraso bago magpasko.

Sinasabing bahagyang bumaba ang presyo ng mga nabanggit na gulay at prutas matapos dumaan ang pasko.

Nabatid na kadalasang humahango ang manininida mga palengke sa ilang bagsakan ng gulay sa lalawigang ito na umaangkat naman sa mga biyahero mula sa Nueva Viscaya. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here