Home NATIONWIDE 849 pasyente inasistihan ng PRC sa Traslacion 2026

849 pasyente inasistihan ng PRC sa Traslacion 2026

276
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Red Cross (PRC) na mayroon silang 849 na pasyente na naasistihan sa Traslacion 2026 sa Maynila sa loob ng 28-oras na panahon simula nitong Biyernes ng umaga, Enero 9.

Samantala, 2,204 na deboto sa kahabaan ng ruta ng Traslacion ang nabigyan ng tulong, ayon sa PRC.

Ang Traslacion, o prusisyon ng imahe ng Jesus Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church, ay nagsimula ng alas kwarto ng umaga noong Biyernes.

Mabagal ang pag-usad nito sa Maynila dahil sa dami ng mga deboto na gustong sumampa sa andas o karwahe na may imahe.

Hanggang sa oras ng pag-post, hindi pa tapos ang Traslacion kahit na nasa Villalobos Street na ito malapit sa Quiapo Church.

Pinasalamatan ni PRC chairman Richard Gordon ang mga volunteer at staff para sa kanilang serbisyo sa Traslacion 2026.

“Sa ating mga volunteer at staff na patuloy na nagbibigay ng kanilang lakas, oras, at habag sa paglilingkod sa sangkatauhan, binabati ko kayo,” sabi ni Gordon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here