Home NATIONWIDE Archbishop Uy, nanawagan ng dasal sa mga biktima ng landslide sa Cebu

Archbishop Uy, nanawagan ng dasal sa mga biktima ng landslide sa Cebu

193
0
Photo Courtesy of CBCP News

MANILA, Philippines – Nanawagan ng sama-samang panalangin at pakikiisa si Cebu Archbishop Alberto Uy para sa mga biktima ng landslide sa Prime Waste Solutions Cebu Landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City.

Binigyang-diin ng Arsobispo ang pagdarasal para sa mga biktima at kanilang mga mahal sa buhay na dumaraan ng pagdadalamhati at kawalan ng katiyakan.

Nag-alay rin ng panalangin ang Arsobispo para sa mga responders at rescuers na patuloy na nagsasagawa ng search and rescue operations sa kabila ng panganib sa kanilang kaligtasan.

Kasama rin sa ipinanalangin ni Archbishop Uy ang mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Cebu na patuloy na nagsasagawa ng pagsusuri sa kabuuang pinsala at pagtugon sa naganap na insidente.

Binigyang-diin din ng Arsobispo ang kahalagahan ng pananampalataya na dapat magbunga ng pagkakaisa, malasakit, at konkretong pagtulong sa mga apektadong komunidad.

Ipinapanalangin naman ng Arsobispo sa Señor Sto. Niño ang awa at proteksyon para sa Cebu at sa mga mamamayan nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here