Home NATIONWIDE Dump truck bumangga sa 2 bahay sa Antipolo

Dump truck bumangga sa 2 bahay sa Antipolo

210
0

MANILA, Philippines — Isang dump truck ang bumangga sa dalawang bahay sa kahabaan ng Sumulong Highway, Barangay Mambugan, Antipolo City pasado ala-una ng hapon nitong Enero 11, 2026.

Ayon sa Office of Public Safety and Security Motorcycle Unit ng Antipolo LGU, posibleng nawalan ng preno ang truck dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver at tuluyang sumalpok sa mga kabahayan.

Matapos ang insidente, tumakas umano ang driver at pahinante at wala nang naabutang tao sa loob ng sasakyan nang rumesponde ang mga awtoridad.

Inimpound ng LGU ang truck habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting in damage to property laban sa driver.

Walang naitalang nasugatan o nasawi sa insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here