MANILA, Philippines – Nawalan ng kuryente ang 8,000 kabahayan sa Quezon City matapos subukang nakawin ng isang lalaki ang electric cable noong Enero 4 sa North Diversion Road.
“Kasi nilalagare niya po yung power cable and then, yun nga, nagkaroon po ng flashover. Yung kanya pong tinutuntungang puno ay nahulog po yung suspect,” ayon kay Meralco Senior VP Froilan Savet.
Nasugatan ang 37-anyos na lalaki ngunit kasalukuyang gumagaling na.
Ayon sa Barangay, haharap siya sa kaso kapag nakalabas na sa ospital.
Naapektuhan ang dalawang power circuits: isa para sa 6,000 customers at isa pa para sa 2,000, ngunit naibalik ang kuryente sa loob ng apat na oras.
Pinayuhan ng Meralco na bawal ang pagnanakaw ng kuryente ayon sa RA 7832, na may parusang 6–12 taon sa kulungan at P50,000 multa. RNT/MND