Home NATIONWIDE “Cabral files” kailangang sumailalim sa forensic audit bago isapubliko – Dizon

“Cabral files” kailangang sumailalim sa forensic audit bago isapubliko – Dizon

191
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na sumasang-ayon siya sa mga panawagan na gawing publiko ang listahan ng mga imprastruktura na umano’y ipinasok o inindorso ng mga pulitiko sa mga nakaraang badyet ng ahensiya, na pinaniniwalaang tinipon ng yumaong Undersecretary Maria Catalina “Cathy” Cabral.

Ngunit sinabi ni Dizon na kailangang sumailalim sa forensic audit ang mga dokumentong ito, kasama ang computer ni Cabral, bago ito gawing publiko.

Inaasahang sisimulan na ng Office of the Ombudsman ang proseso sa tulong ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group.

Muling iginiit ni Dizon na ang mga kopya ng tinatawag na Cabral files na kasalukuyan nang kumakalat, at ang inilabas ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ay hindi dumaan sa tamang authentication at sapilitang kinuha sa opisina ni Cabral.

Pagtitiyak ni Dizon sa publiko hindi niya pahihintulutan ang anumang anomalya sa DPWH.

Patuloy ang Internal clearing sa ahensya at ilang opisyal kabilang ang apat na Regional Directors ang tinanggal sa puwesto dahil sa ibat-ibang dahilan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here