Home OPINION KABIG KALIWA’T KANAN

KABIG KALIWA’T KANAN

276
0

NAGBABANTANG masampahan na naman ng kasong Impeachment ngayong 2026 si Vice President Sara Duterte sa Kongreso.

PALDO uli ang mga lalagdang kongresista. Ehek!

##

Umugong din sa mga balita na posible ring may magsampa ng reklamong Impeachment laban kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Aba’y mas lalong PALDO. Kaliwa’t kanan na ang KABIG.

##

Ang Impeachment complaint kay VP Sara ay posibleng umusad sa Kamara sa dami ng pipirma.

Mas marami kasing IMBIYERNA na mga kongresista kay VP Sara.

##

Habang sa Impeachment complaint kay BBM kung saka-sakali, umiikot pa lang ang papel na pipirmahan e, basura na. Bakit kanyo?

Iba na ang MAY MALETA. Bwar, har, har!

Matatalino ang mga tita at tito natin sa Kongreso. Sobra!

##

Ano ang mensahe ng panibagong ingay na ito ng Impeachment kay VP Sara o malamang kay PBBM?

KALIMUTAN na raw natin ang isyu ng flood control projects scandal.

At huwag na raw tayo umasang may makukulong na mga BIG FISH. Ay, hayup!

##

Maraming PUMALDONG kongresista o CONG-TRACTORS sa mga anomalya o ghost flood control projects sa mga nakaraang taon.

Ibig sabihin, may mga kongresista tayong inaasahan na dapat makulong sa mga pandarambong na ito ng pondo ng bayan.

Pero mukhang MALABO PA SA PUSALI na ito ay mangyari.

Kaya naman ang mga HONORABLES natin makapal pa sa buwaya ang mga balat e, tuloy ang ligaya sa KAMARA.

LALANGOY na naman sila sa pera.

##

Nakasusuka na ang estilong ito ng marami sa ating mga mambubutas, este, mambabatas.

Sabi nga, hindi na nahihiya ANG MGA WALANG HIYA sa kanilang mga pinaggagagawa sa ating bayan.

Sumusuweldo na nga sila mula sa buwis ng taumbayan, MALETA-MALETA pa kung kumubra ng kuwarta mula sa PORK BARREL, INSERTIONS, ALLOCABLES o kung anumang tawag sa KURAKOT na yan. Anak ng tokwa!

##

Kaya nga marami na sa ating kababayan ang nagnanasang mabuwag na ang Kongreso na ginagawa lang daw YUNGIB NG MGA KAWATAN.

Ang problema, mahirap itong maganap. Ipaglalaban nila ng pitpitan ng bayag ang kanilang kaharian.

Kaya naman ang ipinadarasal ko na lang, tubuan ng BULKAN diyan sa Batasan Complex sabay sabog nang malakas.

LORD PATAWAD!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here