Home OPINION 12,000 PATAY SA IRAN RALLIES

12,000 PATAY SA IRAN RALLIES

274
0

SINASABI ng grupong Iran International na umabot na sa 12,000 ang namamatay sa madudugong rally laban sa kasalukuyang pamahalaang Islam.

Naganap umano ang pinakamarami sa pagpatay noong gabi ng Enero 8-9, 2026.

Humupa-hupa ang rally nang manawagan naman ang pamahalaan ni Ayatollah Ruholla Khomeini ng mga kontra-rally at pabor sa pamahalaan.

Tinataya naman ng iba na nasa 2,500 lamang ang nasasawi habang hinuli at dinetine ang mahigit 10,000 raliyestang kontra-gobyerno.

Binubuo ang mga namatay ng mga raliyesta at mga pwersa ng pamahalaan na binubuo ng mga sundalo at pulis bagaman karamihan ay mga raliyesta.

Ayon sa mga awtoridad, dinesisyunan ng lahat ng sangay ng pamahalaan ang tuwirang pagpapaputok sa mga raliyesta, lalo na ang mga nakitang may mga dala-dalang armas umano’y mga ahente ng United States at Israel na pasimuno ng kaguluhan.

Sa lahat ng panahon, alam ng lahat na gustong pabagsakin ng Amerika at Israel ang Islamic Republic na nagpalayas sa kakampi nilang si Reza Pahlavi ng Shah o Hari ng Iran.

Ngayon, nais na iupo ng Amerika at Israel ang anak ng Shah na si Reza Pahlavi at ito ngayon ang pinuno ng mga nagrarali bagaman nagtatago ito sa Amerika.

Habang lantarang sinasabi ni US President Donald Trump at Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na papasukin nila ang Iran at iupo si Pahlavi, sinasabi naman nina Khomeini na handa silang makipaggiyera, maging sa sa labas ng Iran at target nito ang Israel at mga base militar ng US sa ilang Arabong bansa.

Hindi biro-biro ang nagaganap sa Iran na roon nakatira ang tinatayang 1,000 Pinoy.

Sa Israel, may mahigit 30,000 at sa Bahrain, Qatar, Iraq, Kuwait at United Arab Emirates may milyong Pinoy at mga base militar ng US.

Ano-ano na ba ang mga paghahanda ng pamahalaan para iligtas ang mga Pinoy sa kamatayan at kapahamakan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here