MANILA, Philippines – Inilabas na ng Manila Police District (MPD) ang listahan ng mga kalsadang pansamantalang isasara upang bigyan daan ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño de Tondo sa Enero 18.
Ayon sa abiso, kaliwa’t-kanang aktibidad ang gaganapin na inaasahang dadagsa ang libu-libong deboto. Partikular na isasara ang mga kalsada sa paligid ng Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of Sto. Niño de Tondo.
Ilan sa mga kalsadang isasara ay ang bahagi ng:
Moriones / Sta. Maria
Moriones / J. Nolasco
Moriones / N. Zamora
Asuncion / Morga
Asuncion / Ortega
Juan Luna / Morga
Juan Luna / Chacon
P. Herrera / Cano
P. Herrera / Ylaya
Lakandula / Carmen Planas
Nabatid na mula alas-12:00 ng hatinggabi ng Enero 17 hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng Enero 18 ay isasara ang mga nabanggit na kalsada.
Ilan sa mga aktibidad na isasagawa ay ang Lakbayaw Festival bandang alas-7:00 ng umaga ng Sabado sa Tondo, habang ang Buling-bulong Festival ay gaganapin sa Pandacan sa Linggo ng umaga.