MANILA, Philippines – Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), ang mga dokumentong iniulat na na-leak kaugnay ng ASEAN 2026 preparations ay administrative lamang at walang sensitibong polisiya o deliberative materials.
“Based on initial assessments, the documents are preparatory and administrative in nature and do not include substantive ASEAN agenda papers, official deliberations, or policy discussions,” sabi ng DICT. Walang indikasyon na naapektuhan ang ASEAN systems o classified materials.
Gayunpaman, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Philippine National Police at iba pang ahensya upang alamin kung paano naikalat ang dokumento. Kasabay nito, pinapalakas ng DICT ang cybersecurity sa mga ASEAN 2026 venues at digital infrastructure.
Dahil sa sensitibong kalikasan ng kaso, hindi muna magbibigay ng detalye ang DICT at patuloy ang official briefings sa mga kaugnay na stakeholders, kabilang ang ASEAN counterparts. RNT/MND