Home NATIONWIDE Pagpapalakas sa Anti-VAWC law, isinusulong ni De Lima

Pagpapalakas sa Anti-VAWC law, isinusulong ni De Lima

256
0

MANILA, Philippines – Naghain si Deputy Minority Leader at ML Party-list Rep. Leila de Lima ng House Resolution No. 641 upang siyasatin kung bakit patuloy ang karahasan laban sa kababaihan at bata kahit may batas na nagpoprotekta sa kanila.

Layunin ng resolusyon na suriin ang implementasyon ng Republic Act No. 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004” at magmungkahi ng hakbang para mas maging epektibo ang pagpapatupad at pananagutan.

Ani De Lima, “The effective implementation of RA No.9262 is essential not only for the protection of individual victims but also for advancing gender equality, public safety, and social justice.”

Bagamat may Inter-Agency Council on Violence Against Women and Their Children (IACVAWC), nananatiling laganap ang karahasan.

Ayon sa 2022 National Demographic and Health Survey, halos isa sa bawat limang babae ang nakaranas ng emosyonal, pisikal, o sekswal na pang-aabuso ng kanilang asawa o partner.

Mula Agosto 26 hanggang Nobyembre 25, 2025, nagtala ang PNP-WCPC ng 6,883 kaso ng karahasan laban sa kababaihan at bata, 2,144 dito ay paglabag sa RA 9262.

Binanggit din ni De Lima ang kakulangan sa kaalaman tungkol sa batas, hadlang sa paghahanap ng hustisya, at kakulangan ng survivor-friendly resources.

Ayon sa kanya, mahalagang repasuhin at palakasin ang protocols ng IACVAWC upang mas mabilis at maayos ang tugon sa mga biktima.

“We have significant laws… but if gaps in their implementation are not reviewed and addressed, they may become outdated and continue to be exploited by abusers,” ani De Lima. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here