MANILA, Philippines – Para kay House Committee on Energy member at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, dapat na suriin ng mabuti ang isyu ukol sa kontrobersyal na franchise at contract issues sa renewable energy company ni Batangas Rep. Leandro Leviste sa ngalan na rin ng accountability.
Ayon kay Adiong, kung mapapatunayang totoo ay seryoso ang akusasyon laban kay Leviete, aniya, ang pag abandona sa isang government-granted privileges matapos makuha ito ay maihahalintulad din sa “ghost project.”
“pag binenta mo ‘yan dahil tatakasan mo lang, anong pinagkaiba nyan sa mga ghost projects na merong obligasyon ka na dapat gawin tapos tinakasan mo? So walang pinagkaiba,” ani Adiong.
Ani Adiong dapat na magkaroon ng beripikasyon at pagestablisa ng facts sa isyu ni Leviste.
Nang tanungin kung may hakbang sa Kamara para magkaroon ng imbestigasyon sa isyu ni Leviste, sinabi ni Adiong na wala syang alam kung may naihan nang resolusyon ukol dito.
Gayunpaman naniniwala umano sya na sapat na dahilan para magkaroon ng House Inquiry.
“I don’t know if there’s already a resolution that has been filed to investigate this case. So I think kailangan talaga natin masusing tingnan ito, itong issue na ito, covering the issue on Solar Philippines,” ani Adiong.
Sa Enero 26 nakatakdang magresume ang sesyon ng Kongreso.
Ang isyu ni Leviste ay ukol sa umano ay pagbenta nito sa nakuhang prangkisa para Solar Philippines, ngunit itinaggi ito ni Leviste at nilinaw na ang kanyang ibinenta sa Meralco ay hindi prangkisa kundi kanyang private company.
Sakaling mapatunayan na prangkisa ang naibenta, sinabi ni Adiong na malaking accountability ito.
“Actually, under sa batas, if there’s a merger or selling or transfer of any of the controlling stocks ng isang kumpanya na binigyan ng grant to operate under this franchise, it should first notify the House of Representatives. That’s very clear in the law. … So, violation po talaga ‘yan sa batas,” ani Adiong.
Ang Solar Para Sa Bayan Corp. (SPBC) ni Leviste ay nabigyan ng congressional franchise sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 11357 noong 2019, kasama sa obligasyon nito ang magtayo at mag-operate ng solar-powered microgrids sa mga remote areas.
Sa panig ni Leviste, una na nitong ipinaliwanag na hindi natuloy ang proyekto dahil hindi sila binigyan ng permit to proceed ng DOE.
“The franchise of Solar Para Sa Bayan Corp. (SPBC) was automatically revoked and rendered moot in 2022 after the DOE failed to issue implementing rules,” paliwanag ni Leviste.
Nilinaw nito na ang kumpanya na kanyang ibinenta sa Meralco ay SP New Energy Corp. (SPNEC) na walang prangkisa o anumang obligasyon sa gobyerno. Gail Mendoza