Home NATIONWIDE Suspensyon ni Barzaga maaari pang mapalawig

Suspensyon ni Barzaga maaari pang mapalawig

216
0

MANILA, Philippines – Aminado si Tingog Partylist Rep Jude Acidre na maaari pang mapalawig ang suspensyon laban kay Cavite Rep Francisco “Kiko” Barzaga kung may ikalawang ethics complaint na maihahain dito.

Sa isang news forum sa Quezon City sinabi ni Acidre na hanggang unang Linggo ng Pebrero ang suspensyon kay Barzaga.

Sinabi ni Acidre na bukas ang House Ethics Committee kung may mga bagong paglabag na nagawa si Barzaga na maaaring maging batayan para magsagawa ng panibagong imbestigasyon o magextend sa nauna na nitong suspensyon.

“Unless there’s a new ethics complaint again that would fall under any violation. But definitely, yung ginawa niya after na-impose ‘yung una niya suspension, will be taken into consideration should a 2nd ethics complaint be filed,” paliwanag ni Acidre.

Ang posibilidad ng ikalawang ethics complaint laban kay Barzaga ay lumutang nang sabihin ni Deputy Speaker Ronaldo Puno, chairman ng National Unity Party (NUP), na isusulong nila na mapatawan ng mas mabigat na parusa si Barzaga pangunahin na ang “expulsion”.

Ito umano ay dahil na rin sa patuloy pa rin na pagpapalabas ng mga public statements at mga social media posts na pawang libelous.

Isa na dito ang pahayag na binayaran ng isang billionaire ang mga kongresista para suportahan amg liderato no House Speaker Martin Romualdez.

Kinumpirma ni Acidre na may mga hakbang na ginawa ang NUP laban kay Barzaga kabilang na amg pagsasampa ng kaso sa korte

“I’ve heard yesterday that they have the intention of filing kasi yung last niyang sinabi ‘see you in court’, maybe more than just an Ethics complaint, also possible legal action against suspended congressman Kiko Barzaga,” pag amin pa ni Acidre. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here