MANILA, Philippines – Tinuring na “welcome development” ni House Committee on Higher and Technical Education chairman Jude Acidre ang pagbawi ni Pacifico “Curlee” Discaya sa kanyang naunang pahayag na may kinalaman sya sa pagbili ni dating House Speaker Martin Romualdez ng isang high end property sa Makati City.
Sa kanyag pag amin sinabi ni Discaya na ginagamit lamang siya para maisama sa flood control controversy si Romualdez, sa katunayan umano ay isang beses lamang nya nakita amg dating Speaker ay sa isa pang public event at wala din silang naging anumang pag uusap.
Sinabi ni Acidre na patunay lamang na ang bawat bintang ay may kaakibat dapat na ebidensya at hindi sapat na basta na lamang magbibintang at magsasangkot ng mga opisyal.
“Investigations serve the public best when they rely on verified records and clear testimony. Repeating claims without proof only muddies the waters,” ani Acidre.
“If there is evidence, present it. If there is none, we owe it to the public—and to the people being named—to stop the noise,” giit pa nito.
Una nang nanindigan si Romualdez na malinis ang kanyang kunsensya at wala siyang anumang partisipasyon flood control controversy, wala din basehan ang lumutang na report na si Discaya ay may kinalaman sa pagbili ng isang aria arian sa Makati. Gail Mendoza