Home NATIONWIDE China nagbanta sa PH officials sa “malicious information”

China nagbanta sa PH officials sa “malicious information”

265
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang China sa mga opisyal ng Pilipinas sa patuloy na pagpapakalat ng tinawag nitong “malicious information” laban sa Beijing.

Ang pahayag ay inilabas ni Guo Jiakun, tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry, bilang tugon sa mga pahayag ni Philippine Coast Guard (PCG) at West Philippine Sea spokesman Jay Tarriela tungkol sa paulit-ulit na pangha-harass umano ng China sa mga mangingisdang Pilipino sa loob ng Philippine waters.

Ayon kay Guo noong Lunes, Enero 19, isang umano’y tagapagsalita ng PCG “has maliciously spread disinformation on China and wantonly smeared China’s image.”

Dagdag pa niya, may ilang miyembro umano ng unipormadong serbisyo ng Pilipinas na, “driven by personal political motives, have repeatedly made outrageous and absurd statements, in a habit of inciting confrontation behavior is despicable.”

“China strongly condemns this and has lodged strong protests with the Philippine side,” ayon kay Guo.

Nagbigay rin siya ng babala: “A word of advice to relevant individuals in the Philippines: immediately stop making provocations and stop confusing right and wrong, or they would pay the price for what they did,”

Ito ang unang direktang pahayag ng Chinese Foreign Ministry matapos ang palitan ng maaanghang na salita nina Tarriela at ng Chinese embassy sa Maynila noong huling bahagi ng Disyembre.

Nagsimula ang isyu matapos sabihin ni Tarriela na political propaganda lamang umano ang alok ng tulong ng China sa mga mangingisdang Pilipino na nasa panganib sa Philippine waters. Kinuwestiyon din ng opisyal ng PCG ang presensya ng mga tropang Tsino sa naturang mga karagatan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here