MANILA, Philippines – Sapul sa bidyo ang pananapak ng isang lalaking estudyante sa kaniyang babaeng kaklase sa Tagkawayan, Quezon.
Sa kuha ng video, makikitang itinulak at sinuntok ng estudyante ang babaeng biktima sa loob ng paaralan.
Agad namang namagitan ang isang lalaking guro at sinubukang pakalmahin ang estudyante, subalit nagpumiglas pa ito upang makawala sa hawak ng guro.
Ayon sa pulisya, ang lalaking estudyante ang nagpasimula ng insidente.
Sinabi ng pamunuan ng paaralan na magpapataw sila ng nararapat na disciplinary action laban sa estudyanteng sangkot, at sasailalim sa counseling ang dalawang mag-aaral. RNT