Home NATIONWIDE Atong Ang, ‘armed and dangerous’ pa rin – DILG

Atong Ang, ‘armed and dangerous’ pa rin – DILG

240
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG), nananatiling “armed and dangerous” ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang dahil isa sa kanyang rehistradong baril ay nawawala pa rin.

Dinala ng Mandaluyong Police sa Philippine National Police (PNP) Firearms and Explosives Office ang mga isinumiteng armas ni Ang, kabilang ang isang M16 assault rifle, tatlong semi-automatic pistol, at isang revolver. Naisumite rin ang mga bala at magazine. Inalis ng PNP noong Enero 16 ang lahat ng baril na nakarehistro sa pangalan ni Ang pati na ang kanyang permit to carry.

Gayunpaman, sinabi ng abogado ni Ang na nawawala na ang isa pang M16 rifle mula pa noong Oktubre 2025.

Sinisikap pa ng mga awtoridad na kumpirmahin ang ulat dahil anim na baril ang nakarehistro sa kanyang pangalan. May Type 5 license si Ang, kaya maaari siyang magparehistro ng higit sa limang baril.

Walang impormasyon ang Mandaluyong police sa kinaroroonan ni Ang.

Kahit na naisuko na ang kanyang mga baril, itinuturing pa rin siyang “armed and dangerous” ni DILG Secretary Jonvic Remulla.

Patuloy na minomonitor ng mga awtoridad ang bahay ni Ang kung saan naisilbi na ang dalawang arrest warrant. Nanatiling fugitivo ang 68-anyos na negosyante kaugnay ng mga kasong kidnapping at homicide laban sa ilang sabungero. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here