Home NATIONWIDE Merit-based scholarships sa top SHS, TVET grads, inilunsad

Merit-based scholarships sa top SHS, TVET grads, inilunsad

225
0

MANILA, Philippines – INILUNSAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong merit-based scholarship program kung saan pinapayagan ang mga top-performing senior high school at technical-vocational graduates sa buong bansa na ituloy ang mas mataas na edukasyon na nakahanay sa priority sectors ng bansa.

Sa naging mensahe ng Pangulo sa paglulunsad ng PBBM-Gabay ng Bayan Programs, sinabi ng Pangulo na tinupad ng Bagong Pilipinas Merit-Based Scholarship Program (BPMSP) ang kanyang commitment na palawakin ang access sa quality education kahit ano pa ang background o lokasyon.

“This way they may pursue degree and technical vocational education and training,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati, na dineliber ng kanyang anak na si House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos, araw ng Biyernes, Enero 23.

Sa ilalim ng BPMSP, ang top five graduates sa bawat senior high school sa bansa, maging sa publiko o pribado, ay magiging eligible na mag-enroll sa undergraduate o technical-vocational diploma programs.

Dahil hindi nakadalo sa event kasunod ng kamakailan lamang na pagkakaroon niya ng diverticulitis diagnosis, ipaprayoridad ng scholarship ang mga kurso na nakahanay sa “our country’s hard-to-fill and high-priority sectors.” Nagbabala na ang ‘unaddressed skills gaps’ ay maaaring pumigil sa pag-unlad ng bansa.

Ang BPMSP ay ni-roll out katuwang ang Commission on Higher Education (CHED), Department of Education (DepEd), at ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Sa ilalim ng BPMSP, ang top five graduates ng bawat senior high school sa bansa, maging mula sa publiko o pribado, ay eligible na mag-enroll sa undergraduate o technical-vocational diploma programs.

Sinabi pa ng Pangulo na ang paglulunsad ng scholarship program ay inihayag sa pamamagitan ng pangako na kanyang ginawa noong State of the Nation Address (SONA) para suportahan ang mga namumukod-tanging graduate mula sa academic at technical tracks.

“Today, we are fulfilling that promise,” ang tinuran ni Pangulong Marcos.

Idinagdag pa nito na ang programa ay gagawing pormal sa pamamagitan ng paglagda ng malinaw na polisiya at mga alituntunin upang matiyak ang integridad at transparency sa implementasyon nito.

Tinanggap na ang scholarships ay hindi sapat, inanunsyo ng Pangulo ang Project Patuloy na Edukasyon, Patuloy na Pag-Ahon, o Project PEPA, isang nationwide information caravan kung saan target ang mga pamilya sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

“Through Project PEPA, we bring clear and timely information on government-funded education opportunities directly to students and their families,” ayon sa Pangulo.

Layon ng inisyatiba na maabot ang 490,000 senior high school graduates mula sa 4Ps households.

“When families are informed, they are empowered,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Sa kabilang dako, ipinakilala rin ng Pangulo ang CHED-TANAW, isang bagong national data visualization platform na dinisenyo para magbigay ng isang pinagsamang pananaw ng “higher education enrollment, scholarships, institutions, at graduate outcomes.”

Sinabi ni Pangulong Marcos na mapapalakas ng plataporma ang transparency, support policymaking, at tulungan ang mga estudyante na kilalanin ang lehitimo at kilalanin din ang mga institusyon sa pamamagitan ng official data at interactive maps.

“It strengthens transparency, it supports better policymaking,” ani Pangulong Marcos.

Samantala, kinilala rin ng Pangulo ang mga bagong promote na mga guro sa ilalim ng Expanded Career Progression system; tinawag ng Pangulo ang kanilang advancement na “well-deserved.”

“To the newly promoted teachers who have taken their oaths under the Expanded Career Progression once again, congratulations po sa inyong lahat,” ayon sa Chief Executive.

Hinikayat naman ng Pangulo ang mga estudyante na “to take full advantage of the new education programs to improve their lives and help build a stronger nation.”

“Together, let us build a Bagong Pilipinas where education is a sturdy foundation for stronger families, a more capable workforce, and a more progressive nation,” ang sinabi ng Pangulo. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here