Home NATIONWIDE 5 bangkay na natagpuan, pinaniniwalaang mula sa MBCA Amejera – PCG

5 bangkay na natagpuan, pinaniniwalaang mula sa MBCA Amejera – PCG

247
0

MANILA, Philippines – Natagpuan ang limang bangkay na pinaniniwalaang mula sa MBCA Amejara, ayon kay Coast Guard Southeastern Mindanao Commander Commodore Philipps Soria nitong Sabado, Enero 24.

“Unconfirmed pa ang mga personalities, apat yung bangkay, ang nakita… Ngayon din pong umaga, around 11:30-11:45 a.m. nai-relay po ng ating mga piloto na meron po silang nakita na isa pang floating cadaver, body,” ani Soria.

“Na-inform na natin ang ating Philippine Navy vessel na kunin yung narecover na mga bangkay, then pupuntahan din natin yung isang bangkay na nakita ng ating PCJ Islander 251 para makuha din natin ngayong araw na ito,” dagdag pa ni Soria.

Samantala, umaasa naman ang PCG na makakakita pa sila ng mga posibleng survivor.

“Tuloy po ang ating search and rescue operations… Hindi po tayo hihinto hangga’t di natin nakikita [ang lahat ng nawawala],” dagdag ni Soria.

Matatandaan na nawala ang recreational Dive Boat MBCA Amejara habang naglalayag sa Davao Gulf noong Lunes, Enero 19.

Nitong Huwebes, ibinahagi ng PCG na nawawala pa rin ang tatlong crew member at 12 pasahero, at tanging isang crew lamang ang iniulat na nasagip. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here