MANILA, Philippines – Iginiit ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan nitong Sabado, Enero 24 ang pangangailangan sa reporma na palakasin ang multi-milyong pisong industriya ng asukal sa Pilipinas.
Nitong Biyernes ay isinagawa kasi ni Pangilinan ang public consultation kasama ang mga sugar planter sa Talisay City, Negros Occidental, para maghanap ng solusyon na maging stable ang presyo at kita ng mga ito, at ayusin ang paulit-ulit na structural bottlenecks katulad ng capacity, investment, at governance, at ang pagpapatupad ng sugar industry roadmap.
Nagbabala rin ang senador na ang kulang na suporta ng pamahalaan, mataas na production costs, at bumababang farmgate prices ay maaaring makapagpabagsak sa industriya.
“This public consultation matters because real reform cannot be designed from Congress alone. I personally commit to translating your inputs into legislative and budgetary action,” sinabi ni Pangilinan, chairperson ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform.
“In return, we ask for concrete proposals on possible price floors, program design, the Sugarcane Industry Development Act (SIDA) priorities, and meaningful reforms at the Sugar Regulatory Administration (SRA). Let us be frank and practical and help one another so that the sugar industry can once again be a source of stability, not uncertainty, for Negros and the nation,” dagdag pa niya.
Ayon sa SRA, bumaba ang bilang ng nag-ooperate na raw sugar mills mula 28 noong 2018 sa 25 noong 2025 habang ang sugar refineries ay bumaba rin mula 13 ay naging 10 sa kaparehong panahon.
Mayroon lamang na 5 refineries ang kayang makapag-produce ng premium-grade refined sugar.
Ang sugar farmgate prices ay mas mababa rin sa presyo ng produksyon na nasa P2,150 hanggang P2,300 lamang kada bag, kumpara sa production cost na P2,500 kada 50-kilo na bag.
Ipinatutupad ang importation ban hanggang Disyembre 2026 para tutukan ang domestically produced sugar.
Noong nakaraang linggo, inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang plano ng SRA na mag-export ng 100,000 metric tons ng raw sugar sa Estados Unidos.
Ang inisyatibang ito ay bahagi ng kanilang hakbang para mapangalagaan ang kita ng local raw sugar producers. RNT/JGC