Home NATIONWIDE Trak-trak ng illegal na sigarilyo nasabat sa Valenzuela

Trak-trak ng illegal na sigarilyo nasabat sa Valenzuela

188
0

MANILA, Philippines – Nasabat ng Bureau of Internal Revenue at Regional Highway Patrol Group – NCR ang tatlong trak na naglalaman ng mga illegal na sigarilyo.

Ayon kay LtCol. Joey Caise, Director ng Regional Highway Patrol Group, nakakuha sila ng lead kung saan itinatago ang mga illegal na sigarilyo matapos maaresto ang dalawang Chinese national sa Quezon City na sangkot sa pagbebenta.

“Nagbebenta po sila sa kalsada, upon inspection ng mga personnel on the ground, nakita natin yung grupo na ito, nagpapalitan sila, nililipat yung laman ng isang container aluminum van sa van ng buyer,” ani Caise.

Mahigit 600,000 packs ng sigarilyo ang nasamsam na ikinarga sa tatlong trak.

Sa pagsusuri, natuklasan ng BIR na ang mga ito ay hindi tumutugon sa mandatory Internal Revenue Stamp Tax na obligado ng National Internal Revenue Code of 1997.

Ang mga illegal na sigarilyo ay may tinatayang mahigit kalating bilyong pisong excise tax deficiency, kabilang ang mga penalty at surcharge.

“It’s a glimpse kung magkano ang nawawala sa atin when it comes to the matter of illicit trade, malaki laki po yun, hindi po biro ang halagang 516 million pesos, eto pa lang yun, what more kung mas marami pang mahuli,” sinabi ni Emmanuel Ferrer Jr, Regional Director ng BIR Revenue Region 5. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here