Home NATIONWIDE 27 nalambat ng QC pulis sa 24-oras na Warrant Day

27 nalambat ng QC pulis sa 24-oras na Warrant Day

205
0

MANILA, Philippines – Aabot sa 27 wanted person, kabilang ang Siyam (9) na Top Most Wanted Persons (TMWP), limang (5) Most Wanted Persons (MWP), ang matagumpay na naaresto sa 24-oras na Warrant Day operation na isinagawa kahapon, Enero 23, 2026 sa Quezon City.

Iniulat ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni PCOL RANDY GLENN SILVIO, na inaresto ng District Mobile Force Battalion DMFB (DMFB) sa ilalim ni PLTCOL EDGAR BATOON ang No.4 MWP ng Anonas Police Station 9 na kinilalang si alyas “Francis”, 44 taong gulang, residente ng Brgy. Commonwealth, Quezon City dakong 4:30 PM sa kahabaan ng Dahlia St., Brgy Greater Fairview, Quezon City. Mayroon siyang nakabinbing WOA para sa Homicide, na inisyu ng Branch 91, Regional Trial Court (RTC), Quezon City.

Matapos ito, inaresto ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa ilalim ni PLTCOL EDISON OUANO ang No.5 District Level MWP na kinilalang si alyas “Mario”, 39 anyos, alas-11:10 ng umaga sa kanyang tirahan sa Brgy. Alicia, Project 6, Quezon City. Siya ay may nakabinbing WOA para sa paglabag sa R. A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na inisyu ng Branch 79, RTC, Quezon City.

Bukod dito, inaresto ng CIDU ang No. 7 District Level MWP na kinilalang si alyas “Melton”, 46 taong gulang alas-4:00 ng hapon sa kanyang tirahan sa Masambong, Quezon City. Mayroon siyang nakabinbing WOA para sa Acts of Lasciviousness, na inisyu ng Branch 13, Family Court, Quezon City.

Samantala, inaresto naman ng La Loma Police Station 1 sa ilalim ni PLTCOL JOSE LUIS AGUIRRE ang No.9 MWP na kinilalang si alyas “Arnel”, 40 anyos, alas-9:30 ng umaga sa kanyang tirahan sa Brgy. Ang Sto. Domingo, Quezon City. Mayroon siyang nakabinbing WOA para sa paglabag sa R.A. 9165, na inisyu ng Branch 305, RTC, Quezon City.

Kaugnay nito, inaresto naman ng Masambong Police 2 sa ilalim ni PLTCOL ROLANDO BAULA ang No.1 MWP na kinilalang si alyas “Ramil”, 55 taong gulang, residente ng Brgy. Holy Cross, Novaliches, QC bandang 5:10 PM sa kahabaan ng Quirino Highway, Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City. Mayroon siyang nakabinbing WOA para sa Statutory Rape, na inisyu ng Branch 13, RTC, Quezon City.

Samantala, inaresto naman ng Batasan Police Station 6 sa ilalim ni PLTCOL ALJUN BELISTA ang isang 14 taong gulang na menor de edad, na nakalista bilang kanilang No.1 MWP at No. 5 District Level MWP dakong 10:50 AM sa kanyang tirahan sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City. Mayroon siyang nakabinbing WOA para sa paglabag sa R.A. 8353 (Qualified Rape of a Minor) na inisyu ng Branch 106, RTC, Quezon City.

Habang inaresto ng Cubao Police Station 7 sa ilalim ni PLTCOL JOY LEANZA ang No.9 MWP na kinilalang si alyas “Daryl”, 34 anyos, ala-1:50 ng hapon sa kanyang tirahan sa Brgy. 310, Sta. Cruz, Maynila.

Kaugnay nito, inaresto ng Galas Police Station 11 sa ilalim ni PLTCOL VIRGILIO JOPIA ang No.7 MWP nitong kinilalang si alyas “Glenn”, 24 taong gulang ala-1:00 ng madaling araw sa kanyang tirahan sa Brgy. San Isidro Galas, Quezon City. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here