PANGASINAN, Philippines – Patay ang 53-anyos na negosyante sa Barangay Nalsian Sur, Pangasinan, noong Sabado matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang suspek habang papasok sa kanyang driving school.
Ayon sa pulisya, tumakas ang mga suspek sakay ng puting motorsiklo patungong Malasiqui.
Dinala ang biktima sa Julius K. Quiambao Medical Hospital kung saan idineklara siyang patay.
Ayon sa awtoridad maaaring alitan sa pamilya ang posibleng motibo sa nangyaring krimen.
Patuloy ang follow-up at manhunt operations ng pulisya. RNT/MND