Home METRO Panggugulo ng ilang lalaki sa Taguig, sapul sa CCTV

Panggugulo ng ilang lalaki sa Taguig, sapul sa CCTV

211
0

MANILA, Philippines – Nag-alala ang mga residente ng Cabasaan Street sa hangganan ng Barangay Central Signal at South Signal sa Taguig City matapos magkagulo ang ilang lalaki na sakay ng electric vehicle.

Sa CCTV footage na kuha noong Enero 20, makikita na bumaba ang halos sampung lalaki mula sa sasakyan at sinugod ang isang grupo ng mga lalaking nag-iinuman sa tapat ng bahay.

Pagbalik nila sa sasakyan, naghagis ang isa ng molotov cocktail.

“‘Yung isa po, tinakbo ‘yung tropa namin, sinaksak sa ulo,” sabi ng isa sa mga biktima.

May isang nakaparadang sasakyan din na tinamaan ng bato sa gitna ng gulo.

Umalis na sa lugar ang mga nanggulo nang dumating ang security force ng Barangay Central Signal.

Dumaan umano sila papuntang Barangay South Signal.

Hindi na rin nagpunta sa ospital ang biktimang nadaplisan sa ulo ng patalim.

Ayon kay Eddie Arguelles, Officer-in-Charge ng Barangay Central Signal Security Force, mas pinaigting nila ang pagroronda at pagpapatupad ng curfew.

“Nagro-roving kami. Kapag may nakita kaming kabataan, pinapauwi namin dahil may curfew sa mga menor de edad, alas-diyes ng gabi,” paalala ni Arguelles.

Sa tulong ng pulisya, nakilala na rin ang mga kabataang nanggulo. Karamihan ay menor de edad at nakatira sa kalapit na barangay.

Ipinatawag na sila sa barangay at posibleng ilagay sa kustodiya ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO). RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here