MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang groundbreaking ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO) Flood Monitoring Command Center sa Manila North Cemetery nitong Martes ng umaga, Enero 27.
Ang naturang command center ay isang pasilidad na aasahang magpapalakas sa kakayahan ng lungsod na harapin ang baha sa pamamagitan ng real-time na datos at mabilis na aksyon.







