Home OPINION DOLE, SUMAGOT NA SA RESULTA NG SURVEY, DAGDAG-SAHOD TOP PRIORITY NG MGA...

DOLE, SUMAGOT NA SA RESULTA NG SURVEY, DAGDAG-SAHOD TOP PRIORITY NG MGA PINOY

271
0

AMINDAO ang Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi na bago sa pandinig nila na “taas-sahod” ang numero unong hiling ng mga manggagawang Pilipino base sa pinakahuling OCTA Research survey.

Ayon sa kagawaran, patuloy nilang binabantayan ang mga trend sa kita at sensitibo sila sa sentimyento ng mga manggagawa. Binigyang-diin ng DOLE na sa nakalipas na mga taon, palaging kabilang ang usapin ng sahod sa top three concerns sa mga survey gaya ng OCTA.
Aksyon ng Regional
Wage Boards

Bilang tugon, ipinaliwanag ng DOLE na ang kanilang direktang kontribusyon ay sa pamamagitan ng taunang adjustment sa minimum wage na isinasagawa ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs).

Batay sa ulat ng kagawaran:

Para sa manggagawa sa Private Sector: May 14 na bagong Wage Order inilabas ng RTWPB na nagbigay ng P20 hanggang P100 na dagdag-sahod kada araw sa iba’t ibang rehiyon.

Sa mga Kasambahay: May 11 Wage Order na nagtaas ng P300 hanggang P2,000 sa buwanang sahod ng mga domestic worker.
NCR Update: Good news sa mga kasambahay sa Metro Manila! Naglabas ang RTWPB- NCR ngayong Enero, may P800 na dagdag sa buwanang sahod si­mula ngayong Pebrero 7, 2026!

Sunod na ang Davao at Bicol: Ngayong Enero at Pebrero, nakasalang na ang usapin para sa umento sa sahod sa mga rehiyong ito.

Hindi lang basta sahod! Giit ng DOLE, hindi lang sila sa “mi­nimum wage” nakatutok.

May mga libreng training din:

TESDA Certification – Para mas lumakas ang laban mo sa trabaho at mas malaki ang ki­tain.
Productivity Toolbox – Tulong sa mga kompanya para lumago at makapagbigay ng mas ma­ayos na benepisyo.

ANG PANGAKO NG DOLE: “Tuloy-tuloy ang pagbabantay na­min sa presyo ng mga bilihin at kalagayan ng ekonomiya para matiyak na ang sahod ay sapat at patas para sa lahat.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here