Home NATIONWIDE 4 bus company sa QC, pinagpapaliwanag ng LTFRB sa mahinang kondisyon ng...

4 bus company sa QC, pinagpapaliwanag ng LTFRB sa mahinang kondisyon ng terminal

188
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng showcause ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa apat na bus company dahil sa mahinang kondisyon ng kanilang passenger terminals sa Quezon City sa ginawang surprise inspection.

Ayon kay LTFRB Chair Vigor Mendoza II, naglabas ng show cause orders (SCOs) sa Belleza Transport Corporation, Mega Bus Lines Corporation, Eaglestar Transit Corporation, at Elavil Phils Tours Inc.

Bawat kumpanya ay natukoy na may hindi bababa sa 10 paglabag, kabilang ang kulang na bubong, kakulangan sa maayos na comfort rooms, mababang antas ng seguridad, at kawalan ng ramps para sa Persons with Disabilities (PWDs).

Bahagi ang inspeksyon ng crackdown laban sa ilegal o “colorum” na mga terminal upang matiyak ang ligtas at maayos na biyahe ng mga pasahero.

Inutusan ang mga kumpanya na magpaliwanag kung bakit hindi dapat bawiin ang kanilang Certificate of Public Convenience. Itinakda ang unang consolidated hearing sa Pebrero 11.

Hinikayat ni Mendoza ang lahat ng bus operators na sumunod sa regulasyon ng LTFRB. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here