Home METRO Nagnakaw ng alak sa nasusunog na QC Supermarket, ‘di namin tauhan –...

Nagnakaw ng alak sa nasusunog na QC Supermarket, ‘di namin tauhan – BFP

317
0

QUEZON CITY — Itinanggi ng Bureau of Fire Protection (BFP) Huwebes na ang kanilang mga tauhan ang nakuhang video na kumukuha ng alak mula sa isang nasunog na supermarket nitong Miyerkoles.

Ayon kay Fire Superintendent Anthony Arroyo, tagapagsalita ng BFP, hindi naka-uniporme ng BFP ang mga tao sa video. Nangyari ang kuha habang isinasagawa ang firefighting at mop-up operations.

“Kung mapapatunayan na volunteer firefighters ang sangkot, aalisan ito ng Certificates of Competency bilang bumbero,” dagdag ni Arroyo.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente. Nahuli rin ang isang lalaki na kumuha ng bakal mula sa gate ng nasunog na pamilihan.

Batay sa pinakahuling ulat, 80 porsyento ng establisimyento ang natupok ng apoy, at isang bumbero ang nasugatan. Humingi ng paumanhin sa social media ang supermarket sa abalang idinulot sa kanilang mga kostumer. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here