Home NATIONWIDE Walang shortage sa bigas – DA

Walang shortage sa bigas – DA

269
0

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) Huwebes na walang kakulangan sa bigas sa kabila ng mahabang pila sa ilang rice mill sa Bocaue, Bulacan.

Lumabas sa ulat online ang mga larawan at report ng mga retailer na halos magdamag na pumipila para makakuha ng limitadong suplay ng bigas.

Ayon sa mga importer, karamihan ng imported na bigas ay hindi pa dumarating dahil ang ban sa pag-angkat ay naalis lamang noong huling araw ng 2025, at ang dumating na bigas ay mabagal ang release mula sa mga pantalan.

Ani Arnel de Mesa, tagapagsalita ng DA, natural lamang ang pagkakaroon ng pila sa rice mills habang nagpapatuloy ang importation.

“Bago yan makarating sa mga pamilihan hanggang Intercity, may time lag. Ngayon available na imported, gusto talaga nila makakuha,” aniya.

Noong Enero 22, nasa 248,000 metric tons ng imported na bigas ang dumating sa bansa. “Tuluy-tuloy na pumapasok ang imported na bigas plus inallow natin maraming ports na pwede bagsakan,” dagdag niya.

Samantala, tumaas ng 0.5 porsyento ang halaga ng agricultural output sa ika-apat na quarter ng 2025, na katumbas ng 2.6 porsyentong pagtaas kumpara sa nakaraang taon.

Ayon kay De Mesa, nananatiling pinakamalakas na subsektor ang poultry na lumago ng 8.9 porsyento sa unang quarter at 9.1 porsyento sa buong taon. Nakita rin ang pagbangon ng livestock subsektor mula sa African Swine Fever. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here