Home METRO P10M marijuana plants sa Benguet, binunot

P10M marijuana plants sa Benguet, binunot

197
0

KIBUNGAN, Benguet – Halos umaabot sa ₱10.63 milyong halaga ng marijuana plants ang binunot at sinunog ng mga awtoridad sa isinagawang marijuana eradication campaign sa Sitio Les-eng at Sitio Batangan, Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency–Cordillera (PDEA-CAR), katuwang ang National Bureau of Investigation–CAR (NBI-CAR), Benguet Highway Patrol Group, at Kibungan Municipal Police Station.

Una rito, nadiskubre ng mga awtoridad ang taniman ng marijuana sa humigit-kumulang 7,150 metro kuwadradong lupain. Aabot sa 53,650 na fully-grown marijuana plants, na itinanim sa labinlimang (15) magkakahiwalay na taniman, ang sinunog sa mismong lugar.

Tiniyak ng mga kinauukulang ahensya na patuloy ang kanilang koordinasyon at imbestigasyon upang matukoy ang may-ari ng lupa at ang mga responsable sa pagtatanim ng marijuana.

Ang nasabing operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan upang putulin ang supply chain ng iligal na droga sa lalawigan ng Benguet at karatig probinsya.

Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here