Home ENTERTAINMENT Mel, nagpaliwanag sa ‘pang-iinsulto’ kay Alex Eala!

Mel, nagpaliwanag sa ‘pang-iinsulto’ kay Alex Eala!

268
0

Manila, Philippines – Nagpaliwanag ang 24 Oras anchor na si Mel Tiangco sa isyung ininsulto niya ang Pinoy tennis star na si Alex Eala.

Kamakailan, si Mel ang naghatid ng ulat na dumating na sa bansa si Alex para sa pagsisimula ng WTA Philippine Women’s Open na itinakda nu’ng January 26.

Nang umere na ang report ni JP Soriano, dito na nakahanap ng pagkakataon si Mel para sagutin ang alegasyong ininsulto niya ang 20 taong gulang na international tennis player.

Ani Mel: “Naku, baka sakaling makita n’yo po ‘yung mga pekeng post na ininsulto ko daw si Philippine tennis star Alex Eala. Naku, tahasan ko pong sasabihing fake po ang mga post na ‘yan!”

Natuklasan mismo ng PEP na merong mga Facebook account na nag-post na tinitira ni Mel si Alex.

Kinontra umano ni Mel si Alex sa pagsasabing ang karangalang natanggap niya ay iniaalay niya para sa bansa.

Tinawag pa umano ni Mel si Alex bilang “despicable” at “selfish person.”

Bale ba, nagsanga-sanga na ang kuwento—nag-react daw si Alex sa tinuran ni Mel.

Nakaladkad pa sa isyu ang isang sikat na foreign tennis star.

Dugtong ni Mel: “Sabi pa sa mga pekeng post, sumagot pa daw si Alex gamit ang mga maaanghang na salita… uulitin ko po, fake news po ‘yan!”

Sa ganitong paraan, minabuting tuldukan ni Mel ang isyung nagsasangkot sa kanya: “Wala po akong sinabing anumang negatibo laban kay Alex. Hindi ko rin siya ininsulto kailanman. Bagkus, ipinagbubunyi ko siya at ipinagdarasal pa.”

Sa mga higit na nakakakilala kay Mel, imposibleng gawin niya ang mang-insulto ng kanyang kapwa.

As the tagline of her program goes—ngayon, bukas at magpakailanman.

Klaro!
Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here