Home HOME BANNER STORY 3 major airlines nangako ng tapyas-pasahe

3 major airlines nangako ng tapyas-pasahe

200
0

CEBU CITY, Philippines — Nangako ang tatlong pangunahing airline sa Pilipinas na tanggalin ang kanilang dalawang pinakamahal na fare classes upang mapababa ang presyo ng pamasahe, ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco sa pagbubukas ng ASEAN Tourism Forum 2026 sa Liberty Shrine, Lapu-Lapu City noong Enero 28.

Ayon kay Frasco, tugon ito sa mga reklamo ng lokal na turista na mas mahal ang pagbiyahe sa ilang destinasyon sa bansa kumpara sa ibang bansa, bagama’t binanggit niya na hindi lahat ng destinasyon sa Pilipinas ay may mataas na pamasahe.

Kasama sa pagbubukas ang mga cultural performances ng mga batang arnisadors at performing arts groups mula Lapu-Lapu City, Minglanilla, at Liloan.

Sa okasyon, dumalo si First Lady Liza Araneta-Marcos bilang kinatawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at binasa ni Frasco ang mensahe ng Pangulo. Nagtapos ang programa sa isang fireworks display.

Tinalakay din ni Frasco ang resolusyon ni Cebu City South District Representative Eduardo Rama Jr. na naglalayong alisin ang travel tax sa lahat ng umaalis na pasahero, at sinabi niyang nakasalalay sa Kongreso ang desisyon ngunit binigyang-diin niya na mahalaga at kapaki-pakinabang ang travel taxes para sa mga Pilipino.

Opisyal ding inilunsad ang ASEAN Tourism Sectoral Plan 2026-2028, na nagbibigay-priyoridad sa pagpapaunlad ng kasanayan ng workforce, pagpapadali ng biyahe, sustainable tourism, at pagtutulungan sa rehiyon.

Binanggit ni Frasco ang kahalagahan ng kooperasyon ng mga member states at ibinahagi ang mga estratehiya ng Pilipinas sa pagharap sa mga sakuna tulad ng lindol, bagyo, at pagbaha noong 2025.

“Together, these priorities serve as our compass—anchoring our decisions, guiding our initiatives, and shaping a future where peace, prosperity, and people are not only aspirations, but enduring foundations of the ASEAN community,” ayon sa pahayag ng ASEAN Philippines 2026. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here