Home NATIONWIDE Ex-justice Azcuna: ‘Express lane’ sa impeachment ‘di inalis ng SC

Ex-justice Azcuna: ‘Express lane’ sa impeachment ‘di inalis ng SC

166
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni retired Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuna na nananatili ang pangalawang paraan ng pagsasampa ng impeachment complaints kung saan one-third ng mga miyembro ng Kamara ang pipirma sa Articles of Impeachment na hindi na kailangang i-refer sa House Justice Committee.

Ito ay matapos tuluyang tanggihan ng SC En Banc ang motion for reconsideration ng House of Representatives at pagtibayin ang naunang desisyon na nagdeklara sa Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte bilang labag sa Konstitusyon.

Ayon kay Azcuna, hindi labag sa Konstitusyon ang desisyon ng SC at posible pa rin ang impeachment cases.

Ayon sa Konstitusyon, maaaring magsampa ng impeachment case sa dalawang paraan: una ay sa pamamagitan ng reklamo na idadaan sa House Justice Committee; at ikalawa, ang mas mabilis na paraan kung saan one third ng mga miyembro ng Kamara ang magsasampa ng verified complaint, na magsisilbing Articles of Impeachment, at agad na itutuloy ang paglilitis sa Senado.

Dagdag pa rito, ipinaliwanag ng SC ang kahulugan ng “initiate” ng reklamo at ang pag-trigger ng one-year ban. Kung ididismis ng House Justice Committee ang reklamo, ito ang magpapasimula ng one-year ban.

Samantala, sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang impeachment ay tila naging “impossible dream” matapos pagtibayin ng SC ang desisyon noong Agosto 2025 kaugnay ng constitutionality ng Articles of Impeachment laban kay Duterte.

Para naman sa depensa ni Duterte, dapat nang “mag-move on” ang gobyerno dahil itinuturing nang sarado ang usapin. Jocelyn Tabangcura- Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here