Home NATIONWIDE Pagsusumite ng progress reports sa lahat ng ahensya, iniutos ni PBBM

Pagsusumite ng progress reports sa lahat ng ahensya, iniutos ni PBBM

188
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na magsumite ng progress reports sa kanilang nagpapatuloy na proyekto kada dalawang linggo.

Binalaan ang mga opisyal kontra sa pagsusumite ng “false reports” o pinagandang updates.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nagpalabas ng direktiba ang Pangulo habang isinasagawa ang pulong kasama ang kanyang economic team sa Palasyo ng Malakanyang, pinag-usapan ang pagtuon na madaliin ang reporma at palakasin ang ekonomiya ng bansa.

“Let’s move forward,” ang sinabi ni Pangulong MArcos ayon kay Castro, sabay sabing ang tunay na reporma ay kinakailangan na may kasamang progreso.

Ani Castro, ipinag-utos ng Pangulo na bilisan ang mga infrastructure project, partikular na ang konstruksyon ng mga eskuwelahan at silid-aralan.

“Ipag-uutos din ni Pangulong Marcos Jr. ang pagmo-monitor sa mga ahensiya at kanilang mga proyekto kada dalawang linggo para makita ang progress or progreso nito,” ang sinabi ni Castro.

Sa kabilang dako, pinag-usapan din ang digitalisasyon ng government processes upang mapabilis ang trabaho.

Tinuran ni Castro na mahigpit ang Pangulo sa kanyang babala sa lahat ng ahensiya.

“Huwag ninyong subukang magbigay ng maling report,” ang sinabi pa rin ng Panglo ayon kay Castro.

Binigyang diin ni Castro na ayaw ng Pangulo na mali o “padded” reports, lalo pa’t regular na imo-monitor ang mga ahensiya ng pamahalaan.

Ang mga opisyal aniya na sinadyang magsumite ng false reports o mapatutunayang nagpabaya ay mahaharap sa parusa kabilang na ang pagsibak mula serbisyo. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here