Home NATIONWIDE Dizon umaasa, sira-sirang bahagi ng national highway sa Samar maaayos pagsapit ng...

Dizon umaasa, sira-sirang bahagi ng national highway sa Samar maaayos pagsapit ng 2027

205
0

MANILA, Philippines – Positibo si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na maayos ang mga nasirang bahagi ng national highway sa Samar province bago matapos ang 2027.

Sinabi ni Dizon nitong Lunes, Pebrero 2 na ang rehabilitasyon ng Maharlika Highway ay magpapatuloy sa loob ng dalawang taon sa tulong ng pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Umaasa si Dizon na bago matapos ang 2027 ay malaki-laki na ang maaayos sa Maharlika Highway.

Ayon pa kay Dizon, nangako ito sa mga opisyal ng Samar na makikipagtulungan sa malalaking kontraktor para masigurong mabilis at maayos ang trabaho.

Nangako rin ang kalihim na magiging prayoridad ang Maharlika Highway.

Pinangunahan ni Dizon, kasama ang mga opisyal ng DPWH at lokal na pamahalaan, ang inspeksyon ng mahigit 200 kilometrong kalsada mula sa lungsod na ito hanggang sa San Juanico Bridge na nag-uugnay sa Samar at Leyte Island.

Bukod sa mga potholes, binanggit niya ang problema sa mga tulay tulad ng Gandara Bridge, Calbiga Bridge, at San Juanico Bridge na nangangailangan ng rehabilitasyon.

Sinabi ni Dizon na gagamitin ang budget ng 2026, 2027, at mga natipid mula sa nakaraang taon para pondohan ang rehabilitasyon, na kayang pondohan nang lokal at hindi na kailangan ng foreign loan.

Dagdag niya, kinakailangan ng gobyerno ng P29.75 bilyon para sa buong rehabilitasyon, kabilang ang P8.05 bilyon na nakalaan para sa 2024 at P6.96 bilyon para sa 2025.

Prayoridad ng pamahalaang nasyonal ang rehabilitasyon ng Maharlika Highway dahil bahagi ito ng road network na nag-uugnay sa Luzon at Mindanao. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here