Home NATIONWIDE DILG dumipensa sa anti-smuggling ops ng PNP

DILG dumipensa sa anti-smuggling ops ng PNP

193
0
DILG Sec Juan Victor Remulla, PNP chief PGen Jose Melencio Nartatez, and Bureau of Customs Ariel Nepomuceno and other official conducted an inspection operation against an alleged illegal cigarette factory at Samyoung Global Enterprises in Brgy. Panipuan, Mexico, Pampanga on Thursday, February. 5, 2026. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – Dinipensahan ni DILG Jonvic Remulla ang Philippine National Police (PNP) na walang mali sa kanilang ginawa na manguna sa mga anti-smuggling operations sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ito ay kasunod ng matagumpay at malalaking nakumpiskang smuggled items nitong nakaraang linggo.

Nagsimula ito sa pagkakasabat ng tinatayang P1.1 bilyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa Batangas City noong Disyembre 31 ng nakaraang taon kung saan may ilang pulis ang nagtatanong kung ito ba ay hindi trabaho ng Bureau of Customs (BOC).

Ngunit ayon kay Remulla, walang mali sa PNP na manguna sa mga operasyon, dahil parehong layunin naman ng PNP at BOC ang pigilan ang smuggling sa bansa.

Paliwanag ni Remulla, ang BOC ay may mahigit 5,000 empleyado, tulad ng BIR (Bureau of Internal Revenue). Ang PNP, sa kabilang banda, ay may mahigit 230,000 na tauhan.

Idinagdag niya na ang BOC ay may mas mababa sa 1,000 na mga ahente lamang.

Ang pagsisiyasat at intelligence build-up na nauwi sa pagsalakay sa illegal na pabrika ng sigarilyo sa Mexico, Pampanga ay isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP.

Ayon kay Maj. Gen. Robert Alexander Morico II, director ng CIDG, nagsimula ang kanilang operasyon sa Batangas noong Disyembre at umabot sa Pampanga.

Hanggang ngayon, tinatayang nasa P10 bilyong halaga ng sigarilyo at mga makina para sa iligal na paggawa ng sigarilyo ang nakumpiska ng CIDG.

Bukod sa operasyon sa Batangas, nasabat din ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) ang P1.5 bilyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa Malabon noong Enero 1, at mahigit P220 milyong halaga ng Apple products sa Quezon City noong nakaraang buwan.

Samantala, ang BOC ay kasalukuyang may internal na problema matapos masangkot ang dalawa sa kanilang opisyal sa alegasyon ng muling pag-usbong ng smuggling activities. Ang mga opisyal na ito ay iniimbestigahan pa ng BOC.

Nang tanungin kung nasaan ang BOC sa mga matagumpay na operasyon ng PNP, sinabi ni Remulla na kasama sila sa joint effort at sila rin ang gumagawa ng imbestigasyon at validation. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here