MANILA, Philippines – Ayon sa PAGASA, tuluyang humupa ang Low Pressure Area na dating kilala bilang Tropical Depression Basyang ngayong 8:00 AM, Pebrero 7, 2026.
Sinabi ng weather bureau na lima itong beses tumama sa Mindanao at Visayas, na naging dahilan ng paghina nito.
Dulot ng bagyo ang malalakas na ulan at matinding pagbaha sa Visayas at Mindanao, na ikinamatay ng apat na tao sa Cagayan de Oro.
Naitigil din ang mga flight at biyahe sa dagat sa mga apektadong lugar. Nagkaroon din ng evacuation bilang pag-iingat sa banta ng lahar mula sa Kanlaon volcano.
Samantala, ang northeast monsoon o amihan ay magdudulot ng cloudy skies at ulan sa Batanes, Cagayan, Isabela, at Apayao, habang ang ibang bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng partly cloudy hanggang cloudy skies na may isolated light rains.
Wala namang ibang Low Pressure Area na kasalukuyang binabantayan, dagdag pa ng PAGASA. RNT/MND