Home OPINION SARA VS ALL

SARA VS ALL

213
0

SA isang news report, ibinulgar ni Sen. Ping Lacson na noong 2022 ay may 62 congressmen ang nagsisilbi ring contractors sa kanilang “sariling proyekto” o infrastructure projects.

Ito ay sa gitna ng imbestigasyon ng kanyang pinamumunuang Senate blue ribbon committee sa ghost flood control scandal.

Pero tanungin ko kayo mga suki, may naaalala ba kayo na ipinatawag ni Lacson na mga sinasabi niyang “congtractors” para igisa sa pagsisiyasat ng kanyang komite?

Pero may irerekomenda na raw na dapat kasuhan ang SBR na dalawang “congtractors”. Pirma na lang ng mayorya ng senador ang kulang.

Bukod kina dating Ako Bicol party list Rep. Zaldy Co at dating Caloocan 2nd Dist. Rep. Mitch Cajayon, ay wala nang iba pa.

Nasaan na ‘yung 60 pang congtractors? Walang imbestigasyon, walang kaso at walang suspensyon! Nasaan ang hustisya?!

##

Bilyon-bilyong pondo ng pamahalaan ang nadambong dahil sa “CONGTRACTORS” na ito. Pero sila ay mukhang tatawa-tawa at hapi-hapi lang sa gedli. Naghihintay ang taumbayan kung kailan sila makukulong…Sen. Lacson.

##

Ngayon mga suki, mukhang sila-silang “congtractors” ang kailangang pumirma para ma-Impeach ng Kamara si Vice President Sara Duterte. Kailangan ng 1/3 na boto ng mga miyembro ng Kongreso para maipasa sa Senado ang Impeachment case kontra sa Pangalawang Pangulo.

Ang hinahabol kay VP Sara ay ang P125 milyon daw na dinambong na confidential at intel fund ng kanyang opisina.

Huwaw naman! Ang galing hindi ba? Yung mga kongresista cum kontratista na nandambong ng bilyon-bilyon sa pamamagitan ng ghost infrastructure projects, ang naghahanap pa ngayon ng accountability at transparency sa Bise-Presidente.

##

Hindi naman talaga aaminin ng administrasyon na ito ang nasa likod ng pagnanasang mapatalsik sa poder si VP Sara.

Pero syempre, si Pangulong Bongbong Marcos ang unang-unang hahalakhak at papalakpak kapag na-Impeach si VP Sara.

Pangalawa sa tatalon sa tuwa si dating Speaker Martin Romualdez, opkors. Magsusunuran sa magsasaya at maghahapi-hapi ay ang mga kapanalig nilang congtractors.

Hindi rin mawawala sa piktyur ng party-party ang mga bugok sa Senado, ang mga dilawan, mga dating dilawan na naging pink, mga pulahan na naging Marcos loyalist, Makabayan at Akbayan. Silang lahat na nagbibigay ligaya sa ating buhay…EAT BULAGA! Ehek!

Ang tawag diyan mga suki eh, SARA VS ALL. Magtagumpay naman kaya sila? Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here